Pagmamahal sa sariling wika
Dahil ipinagdiriwang natin ang ika-113th Araw ng Kalayaan, gusto ko sana magsulat tungkol sa isang isyu na sa tingin ko ay dapat pagnilayan ng bawat Pilipino. Ito ay tungkol sa pag-aaral ng ating sariling wika at pagiging matatas sa pagsasalita nito. Sa malamang hindi lang ako ang nakakapansin nito kasi napapag-usapan ito sa mga klase ko nung asa kolehiyo pa ako. Pero napapansin nyo ba na marami sa kabataan natin ngayon ay may mas magaling na magsalita sa Ingles kesa sa Filipino? O kaya naman hindi magawang magsalita ng diretsong Filipino? Sa panahon kasi ngayon marami sa mga pamilyang Pilipino na asa tinatawag nating "upper" at "middle classes" ang mas pinipiling ituro ang salitang Ingles kesa sa Filipino. Yung tipong bawal kausapin ng Filipino yung bata at ultimo yung yaya ay kailangan matuto mag-Ingles. Ang ganitong senaryo ay maaaring sanhi ng "globalization" o kaya naman naniniwala yung mga magulang na mas nakaka-angat ang anak nila kung sobran...