Pagmamahal sa sariling wika
Dahil ipinagdiriwang natin ang ika-113th Araw ng Kalayaan, gusto ko sana magsulat tungkol sa isang isyu na sa tingin ko ay dapat pagnilayan ng bawat Pilipino. Ito ay tungkol sa pag-aaral ng ating sariling wika at pagiging matatas sa pagsasalita nito.
Sa malamang hindi lang ako ang nakakapansin nito kasi napapag-usapan ito sa mga klase ko nung asa kolehiyo pa ako. Pero napapansin nyo ba na marami sa kabataan natin ngayon ay may mas magaling na magsalita sa Ingles kesa sa Filipino? O kaya naman hindi magawang magsalita ng diretsong Filipino? Sa panahon kasi ngayon marami sa mga pamilyang Pilipino na asa tinatawag nating "upper" at "middle classes" ang mas pinipiling ituro ang salitang Ingles kesa sa Filipino. Yung tipong bawal kausapin ng Filipino yung bata at ultimo yung yaya ay kailangan matuto mag-Ingles. Ang ganitong senaryo ay maaaring sanhi ng "globalization" o kaya naman naniniwala yung mga magulang na mas nakaka-angat ang anak nila kung sobrang matatas sa Ingles. May iba pa rin magulang na mas gusto pa matuto ang mga anak nila ng ibang lenggwahe tulad ng Chinese kesa maging magaling sa pagsasalita ng Filipino. Ang nangyayari tuloy ay halos hindi na makapagsalita ng Filipino ang mga bata at mas matatas pa magsalita ng ibang lenggwahe. Kahit sa ating mga paaralan mas ginagamit ang salitang Ingles kesa sa sarili nating wika. Pinahihintulutan lang ang mga estudyante na makapag-Filipino sa mga klaseng Filipino at Araling Panlipunan. Dahil sa ganitong pag-iisip ay nawawala yung kahalagahan ng pagiging Pilipino. Nakakalungkot man isipin pero ito ang reyalidad. Marami sa atin ang hindi pinapahalagahan ang ating pagiging Pilipino pati na rin ang ating sariling salita. Marami sa atin ang iniisip na kapag ang isang tao ay hindi nakakaintindi ng Ingles o kaya naman hindi kayang magsalita ng Ingles ng maayos ay tinatawag nating "jologs".

May nabasa akong artikulo tungkol sa mga Fil-Ams. Sabi dun sa artikulo ay marami sa kanila ang nalulungkot na hindi sila makapagsalita ng Filipino (andito yung artikulo.....click here). Sabi nung mga na-interview, hindi naman nila desisyon na huwag matuto managalog. Habang lumalaki sila ang mga magulang daw nila ay bihira silang kausapin ng Tagalog. Yung iba naman hindi talaga sila kinakausap ng Filipino. Sa huli, nawawala yung koneksyon nila sa kanilang pagiging Pilipino.
Paminsan talaga hindi talaga pinili ng kabataan na hindi matuto ng Filipino. Paminsan kasi desisyon yun ng mga magulang. Hindi sa ibinubunton ko ang sisi sa mga magulang pero sa tingin ko importante na ang bawat isa sa atin ay maging matatas sa ating sariling wika bago matuto ng ibang wika. Hindi ang pagkakatuto mag-Ingles ang laging batayan ng pag-angat. Marami sa mga Hapon ang hindi makapagsalita ng Ingles, pero tignan natin kung asan ang bansa nila. Di ba isa sila sa pinakamayamang bansa sa mundo? Sa tingin ko ang pagmamahal nila sa sariling wika ang tumulong sa kanila upang umangat bilang isang bansa. Siguro kung matutuo lang din tayong mahalin ang ating sariling wika, mas lalo nating mamahalin ang pagiging Pilipino at mas ipagmamalaki natin ang ating kultura.
P.S. Ang entry na ito ay ang Tinagalog na version ng blog na ginawa ko dati. Binura ko yung English version kasi anlakas ng loob ko magsabi na mahalin ang sariling wika pero nakasulat yung blog sa English. Hindi po ako nagmamagaling. Aaminin ko na isa ako sa mga taong mas madalas mag-Ingles kesa sa Tagalog. Ito po ay isang realization lang. :)

Comments
Post a Comment