Elbi
Tumira ako sa Elbi ng apat na taon nung college ako sa UP. Ang ate ko rin ay tumira dun nung nag-aral rin sya sa parehong unibersidad. Ang pagkakatanda ko sa lugar na tinuturing kong pangalawang tahanan ay eto ay isang lugar kung saan napaka-relax ng feeling. Pumapasok kami sa klase na ang suot lamang ay shorts, t-shirt at flipflops. Kumakain kami sa mga carinderia at fast food chains 3-4 times a day depende kung may natitira pang allowance. Tumatambay kung saan-saan. Pero siguro ang pinakanatatandaan ko sa lahat ay yung feeling na safe ka kahit na naglalakad ka sa Grove or sa loob ng campus kahit alas-tres na ng umaga. Partida pa na mag-isa kang naglalakad at nakainom. Yun yung kilala kong Elbi. Yun yung minahal kong Elbi. Pero bakit ganito na ang nangyayari sa Elbi ngayon? Sa nakalipas na 5 buwan, tatlong estudyante na ang napapatay. Ano na yung nangyayari sa Elbi na ubod ng safe? Yung lugar na hindi ka matatakot na maglakad kahit na madaling araw na at lasing ka pa? Ano na ang g...